Ang kanta ni Garry Cruz na “Kahit Mali ang Puso”, umabot na sa 1.1 Million views sa YouTube

throy Catan

Ni: Throy Catan

UMABOT sa 1,104,744 views sa YouTube ang lyric video na Kahit Mali ang Puso na kinanta ni Garry Cruz. Ibinahagi ni Garry ang video sa kanyang Facebook page. “WOW, After so many years Umabot na sa almost 1.1 Million Views ang song kong Kahit Mali Ang Puso.” Gulat ni Garry.

Ang nag-upload ng lyric video ay nangangalang Criste Abucal. In-upload niya ito noong September 27, 2013, at umabot sa higit na 3,600 likes.

Pinasalamatan ni Garry ang mga taong lubos na sumusuporta sa kanya, “And to all of you who listened and continue listening. Maraming maraming salamat po sa inyong pag tangkilik at suporta sa aking Awitin. To my collaborators Edwin Marollano who did the melody ang Albert Tamayo who arrange the song. We made the 1M mark guys! Congratulations to all of us!” Deklara niya.

Garry Cuz 1

Si Garry Cruz ay kilala bilang isang mahusay na mangaawit at marami na siyang nakantang theme songs sa mga popular na programa ng AB-CBN at GMA 7. Ang kanyang kantang Kung Alam Mo Lang ay nagamit na sa mga sikat na programa katulad ng Daisysiete (season 1), Click, at Kaya ni Mister, Kaya ni  Misis.

Isa rin siyang kompositor at marami na siyang nagawang kanta na naging theme song sa TV at radyo. Nag-collaborate siya kay Tata Betita sa kantang Kung sana Bukas na theme song ng GMA 7 telenovela Babangon Ako’t Dudurugin Kita! and Nahuhulog Sa’yo na theme song para sa GMA fanteseryeng, Grazilda.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s