Rita Avila, ikunuwento ang kanyang karanasan sa pagkawala ng kanyang anak

throy Catan

Ni: Throy Catan

rita avilaPARA sa character actress na si Rita Avila hindi daw biro ang pinagdaanan niya mula noong nawala sa kanya ang kanyang anak. Dahil dito, buong puso siyang nagbibigay ng payo sa mga katulad niya na namatayan din ng anak.

Sa interview sa Tonight With Arnold Clavio, ikinuwento ni Avila na sinisikap talaga niyang tugunan ang mga nagpapadala sa kanya ng mensahe sa Instagram. Aniya: “Sa Instagram, maraming nagme-message sa akin, mga namatayan ng baby. Kung paano raw ako nag-cope. At ako’y nagbibigay ng oras para sumagot.”

https://www.instagram.com/p/BhA7pUCDcVv/?hl=en&taken-by=msritaavila

Dagdag pa ni Rita na nauunawaan daw niya kung gaano kahirap mawalan ng anak sapagkat siya mismo ay nakaranas nito. “Masakit talaga ang mawalan ng mahal sa buhay, lalo’t anak. Kasi ‘di ba, mas sanay tayo, mas tanggap natin na mauuna iyong matanda, e. Pero ‘pag anak talaga, buhay mo na ‘yan, e. Hanggang ngayon nandito pa din yun pain, pero i know one day magkikita din kami.”

Matatandaang pumanaw ang anak ni Rita noong 2006. Nakapagsulat pa ang aktres ng ilang inspirational book at patuloy na nagbibigay ng pag-asa at kaliwanagan sa mga taong may mabigat na pinagdaraanan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s