Anne Curtis, nilinaw na wala silang isyu ni Vice Ganda sa pagbubukas ng parehong cosmetic business

throy Catan

Ni: Throy Catan

SINAGOT ni Anne Curtis ang isyu tungkol sa rivalry ng cosmetic business nila ng kanyang It’s Showtime! co-host na si Vice Ganda. Nitong Marso 24, opisyal nang binuksan ang first boutique ng make-up brand ni Anne sa isang mall sa Quezon City.

Ayon kay Curtis, nagkagulatan na lamang sila ni Vice sa timing ng pagpasok nila sa cosmetics industry.

Para kay Curtis, hindi naging isyu sa kanila ang pagkakaroon ng parehong negosyo dahil hindi lamang iisang brand ang makikita sa make up kit ng isang babae kung titignan daw ito.

Saad pa ni Anne ito ay nagpapakita na lahat ay may puwang para sa negosyong ito.

Matatandaang noong Oktubre 2017 ay binuksan naman ni Vice ang kanyang ‘Vice Cosmetics’ kung saan kumita agad ito ng P1 milyon sa unang araw pa lamang nito.

Para naman kay Vice masaya daw siya para sa kanyang kaibigan na si Anne, hindi daw niya tinuturing na kalaban o kakompetensiya sa negosyo ang kaibigan dahil mahal daw niya ang aktres.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s