Ni: Throy Catan
HINDI daw big deal para kay Sen. Kiko Pangilinan ang tungkol sa dinner ng kanyang misis na si Sharon Cuneta kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaan halos magkasabay sa pulitika at kaibigan ni Pangulo Duterte ang ama ni Sharon na si dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta noong dekada 80 at 90 kaya ito naimbitahan sa isang hapunan kamakailan.
Masaya ang nasabing dinner nila Pangulo Duterte nina Sharon kasama sina Chet Cuneta, kapatid ng Mega Star, at Special Assistant to the President na si Secretary Bong Go.
Para kay Senador Kiko Pangilinan, bagama’t magkalaban sa politika ay trabaho lamang ito at walang personalan.
Noon pa lamang 1999 ay magkakilala na umano ang ating Pangulo Duterte at si Sen Kiko Pangilinan at natulungan siya noong 2001 at 2007 elections noong siya’y tumakbo bilang Senador habang nakapagbigay din umano ang Senador ng iba’t ibang proyekto sa Davao City.
Magkalaban man ang partido nina Sen Kiko Pangilinan at ng Pangulong Duterte, still nanatili pa din daw ang pagiging magkaibigan nila minsan nagkakaroon ng konting hidwaan pero naayos din sa huli.