Ni: Throy Catan
MARAMI ang ugong-ugong na balita na pagkatapos ng mahigit isang dekada sa GMA, lilipat na nga ba sa ABS-CBN ang Ika-6 Na Utos star Ryza Cenon?
Last year sa isang panayam sinabi ni Ryza na mananatili siyang Kapuso kahit contract artist na siya ng Viva Artist Agency.
Noong nakaraang taon ay kinumpirma ng GMA Artist Center na wala na sa bakuran nila ang aktress kasabay nito ang pagpirma ng exclusive five-year contract sa Viva Artists Agency noong Hunyo 15.
Matapos ito, nanatili pa rin si Ryza na bahagi ng hit afternoon drama series na Ika-6 Na Utos, kung saan gumaganap siya bilang ang kontrabidang si Georgia.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag si Ryza tungkol sa kung ano ang naghihintay sa kanya pagkatapos ng Ika-6 Na Utos na nagtapos nitong Sabado.
Ganon pa man, nagpapasalamat naman ang aktres sa lahat ng sumaybay ng mahigit isang taon sa kanilang top rating serye Ika-6 Na Utos.