Daniel Padilla, naaktuhan na patagong tumutulong sa sampaguita vendor

throy Catan

Ni: Throy Catan

daniel-padilla

MAY mensaheng ipinadala ang isang sender sa isang social media account. Ayon sa sender nasaksihan daw niya kung gaano kabait ang aktor na si Daniel Padilla  noong minsang nakasama niya ito sa pictorial para sa isang glossy magazine na katatampukan nila ng ka-love team na si Kathryn Bernardo. Ito ay sa kabila ng pagtatago ng aktor sa ginagawa niyang kabutihan sa kapwa.

Kuwento ng source, pagkatapos ng pictorial ay nakita raw niyang inihatid ni Daniel sa kotse si Kathryn kasama ang Mommy Min ng aktres.

May batang lalaki raw na nagtitinda ng sampaguita na lumapit sa young actor at inalok ito na bumili. Walang dalang cash noon ang binata kaya isinama niya ang bata sa kotse. Doon ay humiram siya ng pera sa kanyang road manager at patagong ibinigay sa bata. Hindi na rin nito kinuha ang sampaguita.

Masayang-masayang umano na umalis ang bata dahil dalawang tig-100 ang ibinigay ni Da­niel. Sa pagkakataon ito mas lalo raw niyang hinangaan ang aktor ganon din ang tambalang KathNiel.

Agree naman ang lahat sa kabaitan ni Daniel infairness napalaki ni momshie Karla Estrada ang anak niya na si Daniel bukod sa masipag ay superbait talaga nito sa mga tao especially sa mga bata.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s