Julia Barretto, pangarap na i-remake ng Joshlia ang ‘Dahil Mahal Na Mahal Kita’ nina Rico Yan at Claudine Barretto

throy Catan

Ni: Throy Catan

NOON pa man pinangarap na daw ng young aktres na si Julia Barretto na i-remake ng Joshlia ang pelikulang Dahil Mahal Na Mahal Kita na pinagbidahan noon ng kanyang tiyahin na si Claudine Barretto at ng yumaong aktor na si Rico Yan.

Sa isang panayam, sinabi ni Julia na matagal na niyang pinapangarap na gampanan ang role ni Claudine sa 1998 movie na itinampok din ang aktor na si Diether Ocampo. Aniya: “Pinapangarap ko ang tagal na po…. Sana dumating ‘yong perfect time na magawa namin ‘yon.”

Bata pa lang daw kasi si Julia halos napanood na din daw niya ang mga movies ng kanyang tita Claudine, kaya sobrang hanga siya dito ganon din sa tamabalan ng kanyang tita at Rico. “Yes po sobrang kilig at naging avid fan po talaga nila ako!” Sabi pa niya.

Kuwento pa ng young star, maging si Claudine ay nais din na mag-participate sa movie. Ang nais naman daw nitong gampanan ay ang naging role noon ng award winning actress na si Jaclyn Jose. “She wants to be part of the film pero gusto niyang siya naman iyong magiging mom… nag-play ng mommy niya ro’n si Ms. Jaclyn yata?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s