Ni: Throy Catan
MASAYANG nakipagbiruan si Martin Nievera, Erik Santos, Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa audience ng kanilang #paMORE concert.
Nang magsimula na ang concert, kapansin-pansin na marami sa kanilang mga guests at taga-hanga ay katulad nina Vice Ganda at Angeline Quinto ay mga Kapamilya stars. Pati na rin sina Martin, Erik at Ogie ay mga taga-ABS-CBN.
Agad itong napansin ng Asia’s Songbird at ayon pa sa Pep ay sinabi niyang, “Ako lang ang taga-channel 7.”
Humirit naman si Erik at sinabihan si Regine, “Malay mo, Ate, malapit na.”
Pabirong sagot naman ni Regine, “Hindi, okay naman ako. Malaki ang bayad ko. Ang laki ng suweldo ko dun.”
Isang malaking tawanan naman at tuwang-tuwa ang kanilang audience sa sagot ni Regine.
Naging masaya ang gabi ng concert na puno ng kantahan at tawanan. Pinatunayan ni Regine na siya pa rin ang nag-iisang Asia’s Songbird sa kanyang rendition ng Never Enough.
Hindi rin nagpa kabog sa peroforamnce sina Martin , Ogie at ang millenial singer na si Erick Santos.