KZ Tandingan, umiyak dahil kay Jake Zyrus

throy Catan

Ni: Throy Catankz tandingan

LAST week sa programang Magandang Buhay hindi naiwasang maging emosyonal si KZ Tandingan nang ipinanood sa kanya ang video message mula kay Jake Zyrus na dating Charice Pempengco na mentor niya sa X-Factor Philippines noong 2012 kung saan siya ang itinanghal na grand winner.

Malaki ang pasasalamat ni KZ kay Jake dahil kung wala raw ito ay hindi siya makikilala sa larangan ng pag-awit. Ayon kay KZ, mahal na mahal niya ang kanyang “madame” na siyang tawag niya kay Jake, at handa siyang ipaglaban at makipag-away para ipagtanggol ang mentor mula sa mga taong patuloy na humuhusga rito. Pinakiusapan niya ang mga basher nito na suportahan na lamang si Jake sa kung ano ang mga desisyon nito sa buhay dahil wala naman itong tinatapakan o sinasaktang mga tao.

Sabi pa niya: “Mabuti siyang tao. Hindi naman niya kasalanan na ganoon ‘yung nararamdaman niya. Hindi naman mali na mag-express ng totoo mong nararamdaman. You can’t just point fingers on people just because you sin differently. What my God taught me is to love everybody despite kung anuman sila, anuman ang pagkatao nila, anuman ang ginawa nila in the past, because judging the people around you is not your job. It’s God’s job. It’s your job to love one another,”

Ano naman ang sagot niya sa mensahe ng kanyang mentor na si Jake? “Maraming maraming salamat sa lahat alam mo yan! Tulad noon na palagi kang nandoon para sa akin ng kailangan na kailangan kita, basta’t nandito lang ako palagi sa’yo.” Pahayag pa ni Kz.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s