Unit head ng Wildflower, ipinaliwanag ang natanggap na MTRCB rating

throy Catan

Ni: Throy Catan

Wildflower cast

AMINADO ang Business unit head ng prime-time series na Wildflower na si Ruel Bayani na sila nga ay nakatanggap ng “warning” mula sa Movie Television Review and Classification Board.

Ang MTRCB warning umano ay para sa January 30 episode nila kung saan tino-torture ang karakter ni Maja Salvador na si Lily Cruz sa plaza ng Poblacion Ardiente. Makikitang duguan si Lily Cruz habang sinasaktan ito sa harap ng mga tao.

Ipinaliwanag ni Ruel Bayani na kahit sila ay nagpra-practice na ng “self-regulation” pagdating sa mga maseselang eksena ay kailangan pa rin daw nilang ipalabas ang ibang “very bloody” dahil bahagi raw ito ng kuwento.  Sabi pa ni Ruel: “Surprisingly, parang dito na lang kami sa dulo na-warningan. Warning lang itong very bloody… itong tinorture si Lily sa town plaza. Warning lang ‘yun because, remember, we’re being responsible din also because alam mo naman, ang story diyan is we should be able to self-regulate.”

Dagdag pa niya, “Pero okay naman na ang lahat naayos din naman, kinailangan lang talaga para sa nasabing kuwento! Pero ang higit sa lahat yun pasasalamat namin sa mga supporters at viewers ng Wildflower na hindi bumitiw hanggang sa huli, sobrang nagpapasalamat kami from our bottom of our heart, Thank you everyone.”

Ang eksena na iyon raw ang magpapakita sa tunay na kasamaan ni Julio Ardiente. “Kailangan kasi namin sa kuwento, kailangang tumodo ‘yung abuse para ma-human rights abuse si Julio Ardiente. Sa eksena kasi kailangan na magising yun mga ibang naniwala kay Julio kung sino at gaano siya kasama, parang ganon ‘yun kaya need namin i-todo ang climax ng story.” Deklara pa niya.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s