Jodi Sta. Maria, inamin na ang totoong estado ng relasyon nila ni Jolo Revilla

throy Catan

Ni: Throy Catan

jodistamaria

SA programang Tonight With Boy Abunda nitong Lunes ng gabi, January 29. Nagkaroon ng guest appearance ang actress na si Jodi Sta. Maria kasama ang leading men niya sa Sana Dalawa ang Puso na sina Robin Padilla at Richard Yap.

Sa segment na 2 Be Honest, pinapili ang tatlong guests sa envelopes na naglalaman ng mga tanong na kailangan nilang sagutin nang buong tapat. Ang tanong na napunta kay Jodi: “Kung dalawa ang puso mo, sinong dalawang lalaki ang bibigyan mo nito at bakit?”

Pinangunahan na ni Boy Abunda, ang host ng programa, na hindi puwedeng isagot ng Kapamilya actress ang kanyang anak na si Thirdy. Bahagyang nahirapan si Jodi sagutin ang tanong. Pagkatapos ay sabi nito, “Kung hindi kasama si Thirdy, kuya ko yung isa, kasi kakaunti lang naman ang lalaki sa buhay ko.”

Huminto saglit si Jodi bago niya sabihin kung kanino niya ibibigay ang isa pang puso. Pagpapatuloy niya, “First time na sasabihin ko… naibigay ko na sa kanya ang puso ko, kay Jolo.” Sa pagkakataon yun marami sa audience ang kinilig sa sinabi ni Jodi. Dugtong pa niya. “Wala talaga akong maisip. I just had to say it.”

Samantala, lubos naman ang tuwa ni JoloRevilla sa ginawang pag-amin ng kanyang girlfriend tungkol sa kanilang relasyon.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s