Mapapanood mo na ang bagong teleserye ni Jodi Sta. Maria na “Sana Dalawa ang Puso” via TFC online

throy Catan

Ni: Throy Catan

SA unang pagkakataon ay gaganap ng dalawang karakter si Jodi Sta. Maria sa series na “Sana Dalawa ang Puso” na mapapannood sa labas ng Pilipinas via TFC, sa key countries worldwide.

Magsasama-sama sa unang pagkakataon ang tatlo sa pinakabigating mga bituin sa bansa ngayon na sina Robin Padilla, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria, sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na Sana Dalawa ang Puso na mapapaood labas ng Pilipinas via The Filipino Channel (TFC) sa key countries worldwide simula January 29, 2018 (Manila time).

sanaBalik-tamabalan ang Daytime Queen at King na sina Jodi at Richard matapos ang hit serye nilang Be Careful with My Heart noong 2012.

Masaya si Richard nang malaman niyang magkakasama muli sila ni Jodi sa isang proyekto. “Gustong-gusto ko talaga siyang makasama muli kasi masarap katrabaho si Jodi at magaling siyang aktres,” Sey ni richard.

Excites, aminado naman si Jodi na bagong hamon sa kaniya ang pagganap sa dalawang roles, lalo pa at unang beses pa lamang niya ito gagawin.  Aniya, “Hindi naging madali para sa akin, pero very exciting. Isa ito sa mga challenging roles na ginawa ko”.

Mula naman sa katatapos lang na box-office movie na Unexpectedly Yours, makakasama rin sa serye ang tinaguriang Idol ng Bayan na si Robin, na huling nakita sa seryeng Kailangan Ko’y Ikaw noong 2013.

Kwento ni Robin, nagpasintabi pa siya kay Richard sa kaniyang pagpasok sa eksena sa popular na tambalan nila ni Jodi na kilala sa tawag na JoChard. Sey ni Robin:  “Pinuntahan ko pa si Sir Chief (Yap) at nagpaalam ako kung puwede akong mag-over the bakod,” Pagbibiro pa niya, “Bata pa lang ay pinanonood ko na sila, sumasabog ang kagandahan ni Jodi.”

Excited na nga ang lahat sa bagong programa ng Kapmilya network:”Sana Dalawa ang Puso” ang kuwento nina Lisa at Mona (parehong karakter ni Jodi ), dalawang babaeng magkamukha at parehas na tinatakasan ang mga problema sa kani-kanilang buhay.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s