Gladys Reyes at Christopher Roxas, muling nagpakasal

throy Catan

Ni: Throy Catan

SA ikalawang pagkakataon pinagdiwang nina Gladys Reyes at Christopher Roxas para sa kanilang 25th anniversary bilang couple at ika-14 taon naman bilang mag-asawa. Muling nag-isang dibdib ang celebrity couple na sina Gladys at Christopher  na ginanap sa Fernwood Gardens, Tagaytay City nitong Enero 23.

Kabilang sa mga dumalo sa kanilang renewal of vows ang kanyang matalik na kaibigan at co-star niya sa seryeng Mara Clara na si Judy Ann Santos. Nagsimula ang love story nina Gladys at Christopher sa naturang classic soap opera.

Sa mga naunang panayam kay Gladys, sinabi niyang itinuturing niyang ‘answered prayer’ ang kanyang mister at alam niyang si Christopher ang ‘the one’ para sa kanya.

Samantala, sa Instagram post naman ni Judy Ann, ibinahagi nito ang ilang larawan sa kasal ng kanyang kaibigan at inilarawan niya ito bilang ‘relationship goals.’

Sey ni Judy Ann sa kanyang post: “Saksi ako sa matinding pagmamahalan ninyo mula pa ng mga paslit tayo, hanggang ngayon na may kanya kanya na tayong mga paslit. Kayo ang katunayan na totoo ang salitang ‘first love’. Mahal na mahal namin kayo!”

Nagpapasalamat naman sina Gladys at Christopher sa lahat ng mga dumalo.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s