Robin Padilla, humahanga sa kagandahan at galing sa pag-arte ni Jodi Sta. Maria

throy Catan

Ni: Throy Catan

SANA-DALAWA-ANG-PUSO-

VERY vocal sinabi ng aktor na si Robin Padilla sa co-star niya sa isang upcoming teleserye na si Jodi Sta. Maria na “Mag ingat ka na lang sa Akin.” Makakasama sina Robin, Jodi at si Richard Yap sa unang pagkakataon sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na Sana Dalawa Ang Puso.

Pero agad naman nagpasintabi si Robin kay Richard sa kanyang pagpasok sa eksena sa tambalang JoChard. Ani ng actor: “Pinuntahan ko pa si Sir Chief (Richard) at nagpaalam ako kung puwede akong mag-over the bakod. Bata pa lang ay pinanonood ko na sila, sumasabog ang kagandahan ni Jodi.”

Dugtong pa ni Robin, “I requested na makausap ko muna si Richard, kaya nag-set up ng meeting for us at tinanong ko siya, papayag ba siyang makasama ako? Nag-click naman kami agad. Tawanan kami nang tawanan.”

Inamin din ng aktor na may mga pagkakataong nakakalimutan niya ang lines kapag kaharap na niya si Jodi dahil sobrang galing daw nito, buti na lang at gina-guide raw siya ng direktor nilang si Rory Quintos.

Ngunit may boundaries na raw siya pagdating sa pagka-in love sa kanyang leading ladies. “Kaya, Jodi, mag-ingat ka na lang sa akin. At Richard, bantayan mo na rin ako. Pero siyempre, dahil sa ating maturity, alam na naman nating may boundaries tayo tungkol diyan.” Deklara pa niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s