Ni: Throy Catan
UMANI naman ng papuri at paghanga mula sa mga netizen ang ginawang pagtulong ng actress na si Angel Locsin.
Matapos niyang ipakita ang pagiging likas na matulungin sa pamamagitan ng simpleng pagtulong sa mga staff at crew ng Pilipinas Got Talent, season 6 sa pagse-set up ng entablado para sa isang act na magpapamalas ng husay sa paggamit ng arnis, sa ikalawang episode nito noong Linggo ng gabi, Enero 7, 2018.
Hindi nagdadalawang-isip na tumayo si Angel, kasama ang isa pang huradong si Robin Padilla mula sa kanilang kinauupuan at tumulong sa pagkakabit ng mga rubber mat. Pinasaya naman ni Vice Ganda ang lahat dahil nagkunwari siyang ‘haciendera’ na tila inuutus-utusan ang mga ‘aliping’ sina Angel, Robin, at iba pang staff at crew.
Sina Angel, Vice at Robin ay isa lamang sa mga hurado ng bagong season ng Pilipinas Got Talent.