Paul Soriano, iniiwasan daw na maging director sa mga pelikula ni Toni Gonzaga

throy Catan

Ni: Throy Catan

HANGGAT maari iniiwasan daw ng direktor na si Paul Soriano na idirek ang kanyang asawang si Toni Gonzaga. Mas okay daw iba na muna ang mag direk sa kanyang asawa, para maiwasan na din kung ano pwede maging isyu or magkaroon ng conflict baka pati ang personal nilang buhay ay magkaroon pa ng problema.

Kasama sa mga project ni Paul ngayong 2018 ang movie para sa kanyang asawa at kapatid nitong si Alex Gonzaga, ngunit producer lang umano ang magiging papel nito.

toni_and_paul

Samantala, isasali raw sa mga international film fest ang Siargao, na idinirek ni Paul.

Matatandaang noong Metro Manila Film Festival Awards Night ay nanalo ang pelikula ng seven major awards.

Kabilang sa nasabing awards ang Second Best Picture, Best Director (Direk Paul Soriano), Best Supporting Actress (Jasmine Curtis Smith), Best Editor (Mark Victor), Best Cinematography, Best Original Theme Song (Alon) and Best Sound.

Ito ang first venture ni Paul sa MMFF kaya hindi siya umasang maghahakot ng awards ang pelikula at ngayon nga ay kumikita pa.

Malaki naman ang pasasalamat ni direk Paul sa lahat ng sumporta at tumangkilik sa pelikulang nila Siargao.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s