Ni: Throy Catan
NITONG Martes, Enero 3, bagong bukas ng taon ay may isang malungkot na pangyayari ang dumating sa buhay ng legendary singer na si Freddie Aguilar matapos masunog ang bahay nito sa Quezon City kung saan ang music room pa ang pinakaunang natupok ng apoy.
Nagsimula ang sunog sa dakong 11:04 ng gabi sa bahay ni Aguilar, na nakatayo sa Avery Street, Brgy. North Fairview, Quezon City. Una umanong natupok ang music room ng singer hanggang ito ay kumalat sa ilang bahagi ng kanyang tahanan
Natupok daw ang ilan sa mga mahahalagang gamit ni Ka freddie kabilang na rito ang ilang mga collector’s item, at mga awards na nakamit niya.
Sa ngayon patuloy pa ring inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang naging sanhi ng pagkakasunog ng bahay. Sa isang naunang pahayag, sinabi ni Fire Inspector Rosendo Padilla ng Quezon City BFP na maaaring nagkaroon ng problema sa electrical connection.
Malaki naman ang panghihinayang ni Ka Freddie sa lahat ng natupok niyang mga gamit most especially ang kanyang mga awards na galing sa iba-ibang awards night.
Matatandaan, ang awit na Anak ang isa sa mga awit na pinasikat ni Freddie Aguilar na naisalin ito sa 26 na lengguwahe.