Ang Dalawang Mrs. Reyes trailer, nag-trending sa Youtube

throy Catan

Ni: Throy Catan

NAG-TRENDING ngayon ang official trailer ng kauna-unahang pelikula para sa 2018 ang pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes sa ilalim ng Star Cinema sa darating na Enero 17, 2018.

Ito rin ang kauna-unahang pagsasama sa isang pelikula nina Judy Ann Santos-Agoncillo at Angelica Panganiban kung saan sila ay magpapatawa sa kanilang mga tagahanga at tagasubaybay na nananabik nang sila’y mapanood sa big screen.

Kamakailan nag-post sa kani-kanilang mga Instagram account ang dalawang lead stars para sa promosyon ng kanilang pelikula na very excited sa nalalapit na showing ng kanilang pelikula.

View this post on Instagram

Soon… 🤗

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday) on

Makakasama rin nila sa pelikula sina JC De Vera at Joross Gamboa. Reunion movie rin ito ng orihinal na Mara at Clara dahil kasama sa cast si Gladys Reyes.

Masaya naman sina Judy Anne at Angelica dahil sa wakas natupad na din ang pagsasama nila sa pelikula na matagal na din daw nilang pangarap ang makasama sila sa isat-isa para sa isang magandang proyekto, kaya naman bongga ang pagpo-promote ng dalawa.

Panoorin ang official trailer ng “Ang Dalawang Mrs. Reyes” na ibinahagi ng Star Cinema via YouTube Channel na agad na naging #2 trending worldwide.  Pak ganurnnn!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s