Aiko Melendez, tampok sa Spotted Magazine

throy Catan

Ni: Throy Catan

MASASABING isa ang 2017 sa masuwerteng taon ng magaling na aktres na si Aiko Melendez dahil sa muling pamamayagpag ng kanyang acting career, gaya ng iba niyang mga kasabayan noon, lalo’t mahigpit ang kompetisyon ngayon sa showbiz.

Muling nag-boom ang karera ni Aiko dahil sa pagkakasama sa teleseryeng Wildflower bilang Emilia Ardiente-Torillo; isa sa mga pangunahing kontrabida sa buhay ni Lily Cruz a.k.a. Ivy Aguas na ginagampanan ni Maja Salvador.

Nakatanggap siya ng parangal dahil sa mahusay na portrayal niya sa kanyang role sa naturang teleserye.

Kaliwat kanan din ang paggawa niya ng mga pelikula tulad ng Balat Kayo, New Generation Hero at marami pang iba.

Samantala, bago matapos ang taong 2017, tampok siya sa isang lifestyle magazine na Spotted Magazine. Makikita ang kanyang hot and sexy photos na talaga namang kapansin-pansin. Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ni Aiko ang kanyang ika-42 kaarawan kasama ang cast ng Wildflower at ilang malalapit na mga kaibigan.

Kamakailan na naitampok na rin ng Spotted Magazine si Andrei Yllana, ang kanyang guwapong anak sa ex-husband niya na si Jomari Yllana, sa issue nito noong Agosto 2017.

Maghahasik pa din ng lagim ang character ni Aiko bilang si Emilia sa seryeng Wildflower para sa kanilang book 2 na mapapanood pa din tuwing weeknights bago ang TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

Nagpapasalamat naman si Aiko sa RSB unit ni direk Ruel Bayani , sa kanyang direktor na si Raymund Ocampo. mga writers, staff and crew most especially sa masipag at mabait na executive producer na si Jayson “Amour” Tabigue. yun nah!

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s