Yeng Constantino, nagpasalamat sa mga taong sumoporta sa kanya sa mahigit isang dekada sa music industry

throy Catan

Ni: Throy Catan

KAMAKAILAN ipinagdiriwang ni Pop Rock Superstar Yeng Constantino ang kanyang ika-11 taong anibersaryo sa showbiz at music industry na ipinahayag niya sa kanyang Instagram post.

Pinasalamatan ni Yeng ang Yengsters; ang tawag sa mga taong tagasuporta at tagahanga niya, matapos nilang ipaalala sa kanilang idolo ang anibersaryo nito.

https://www.instagram.com/p/BcwGL86lh1j/?taken-by=yeng

“Yengsters thank you for reminding me. It is my 11th year in the industry today. Thank you sa walang sawa nyong suporta at pagmamahal sa lahat ng mga awitin ko at maging sa akin. Lagi ko yang ibabaon sa puso ko.”

Sunod na pinasalamatan ni Yeng ang mga kompanya at palabas na nag-alaga at nagbigay ng pagkakataon sa kanya upang mahasa at makilala ang kanyang talento sa pag-awit tulad ng ABS-CBN, Pinoy Dream Academy, ASAP, Cornerstone, at Star Magic. Pinasalamatan din niya si Direk Laurenti Dyogi.

“Salamat sa ABS-CBN kung saan ako nadiscover at lumago bilang artist. Sa ASAP na nagpalawak ng aking musika. Sa DreamBig Production na nag alaga sa akin sa mga unang tao ko sa industriya. Kay Direk @laurentidyogi na nakakita ng potential ko at sa buong Pinoy Dream Academy team na nagpakita ng talento ko sa buong mundo. At ngayon sa Cornerstone at Star Magic na patuloy na humahasa at sumusuporta sa pagtupad pa ng aking mga pangarap.

Maraming maraming salamat! Mahal ko kayo. At sa maraming kanta pang isusulat ko na sana ay maging awitin parin ng buhay nyo. Cheers! #YengConstantino11thyear #happyanniversaryToMe'”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s