Ni: Throy Catan
ISANG simpleng binyagan ang naganap sa anak ni Pauleen Luna at Vic Sotto na si Talitha Maria Sotto noong ika-10 ng Disyembre at ito’y ginanap kung saan ikinasal ang mag-asawa. Hindi tulad ng ibang okasyon na kadalasan ay marami ang bisita, ang binyag ng anak ni Pauleen at Vic na si Talitha ay dinaluhan lamang ng kanilang malalapit na pamilya at kaibigan.
Para kina Pauline at Vic mas gusto daw nila ang simpleng binyag para sa kanilang unang anak na dinaluhan lamang ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Nang araw ng binyag excited na nag post si Pauline sa kanyang social media account na walang humpay ang saya para sa kanilang anak na isa ng kristiyano.
Ito ang nasabing post ni Pauleen: “Today, our little angel got baptized! Same place where we exchanged i do’s too! Thank you to her ninongs and ninangs for accepting ❤️ We are confident that with you around to guide her, she will grow to be a good girl. Thank you also to our immediate family for joining us today! And as always, thank you Father Jeff for blessing our little girl 😇 Thank you also to @niceprintphoto for always being there to capture beautiful moments”.
Matatandaan na nanganak si Pauleen Luna-Sotto sa pamamagitan ng cesarean section noong ika-6 ng Nobyembre sa Cardinal Santos Medical Center.