Vic Sotto, kinuwento ang tungkol sa kontrobersiyang kinasangkutan nina Joey de Leon at Senador Tito Sotto

throy Catan

Ni: Throy Catan

tito-vick-joey

SINIGURADO ng komedyanteng si Vic Sotto na sanay na sa intriga ang kaibigan niyang si Joey de Leon dahil marami na itong pinagdaanan. Kamakailan tinanong si Vic tungkol sa mga kontrobersiyang kinasangkutan nina Joey at Senador Tito Sotto nitong mga nakaraan.

Mabilis na sagot ni Vic: “Si Pareng Joey naman, sanay sa intriga ‘yan, e. Kahit na noong araw pa, marami nang pinagdaanan ‘yan. ‘Yong paminsang-minsang naba-bash, e, kasama… kapag nag-social media ka, you have to be ready for anything. You have to be responsible for what you say, kung sa tingin mo, Kung ikaw man ay nagkamali sa iyong mga desisyon,”

Dugtong pa niya: “Si Pareng Joey naman, nagso-sorry kung talaga namang, kung sa tingin niya nagkamali siya. ‘Yon naman ang sukatan ng tunay na lalaki or tunay na tao, ‘yong kaya mong i-admit na mali ka, mag-sorry ka. Sorry, ibig sabihin, hindi mo na uulitin,”

Para naman sa kanyang kapatid na si Sen.Tito Sotto: “Isa pa yan palabiro din yan, may mga ganyan attitude kasi yan , ako nga tahimik lang. lagi ako ‘No Comment’.” Sabay tawa niya.

Matatandaan, maituturing na kontrobersiyal ang kaibigan at kapatid ni Vic na sina Joey at Senator Tito Sotto na madalas malagay sa alanganin ang dalawang veteran TV hosts dahil sa kanilang mga pahayag o posts sa social media

Noong nakaraang Mayo lamang, nabatikos nang husto ang kapatid ni Vic na si Tito Sen dahil sa kanyang ‘na-ano’ comment sa Commission on Appointments earing ni dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo.

Nitong nakaraang Oktubre, si Joey naman ang binatikos ng netizens dahil sa kanyang komento na ‘gawa-gawa’ lamang daw ng mga tao ang depresyon.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s