Ni: Throy Catan
HALOS pitong taon nang kasal sina Mariel Rodriguez at Robin Padilla at ang kanilang kuwento ng pag-ibig ay kakaiba rin pala at kapana-panabik pakinggan lalo pa’t ang actor na si robin ang nag kuwento.
Sa segment ng Magandang Buhay ay ibinagi ni Robin kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan.
Nang tanungin ni Karla si Robin tungkol sa pinakamakulay na aspeto ng buhay niya ngayon, sinabi ni Robin na ito na yata ang pinakamahirap na paksa sa lahat.
Ibinunyag niya na ang kanyang asawa na si Mariel ang nanligaw umano sa kanya.
Nagkakilala umano ang dalawa sa dating noontime show na Wowowee, at masaya niyang ikinuwento na araw-araw ay may pagkain na galing kay Pokwang at love letter naman mula kay Mariel.
Nang panahon na iyon ay kakahiwalay pa lang nila ng kanyang ex-wife na si Liezl at inamin niyang depressed siya noon. Hindi niya inasahan na mauuwi sa pagmamahalan at magbubunga ito.
Bilang asawa, inilarawan rin niya si Mariel. Isang positibong tao. Dedicated. Very hot.