“Unexpectedly Yours” ay mapapanood via “TFC at the Movies”

throy Catan

Ni: Throy Catan

unexpectedly-yours-movie-presscon-

ISA sa di inaakala ngunit matinding kinakiligan noong 1990s, muling magbabalik-tambalan ang Philippine Megastar na si Sharon Cuneta at Idol of the Masses na si Robin Padilla sa sorpresang handog ng Star Cinema bago magsimula ang Metro Manila film festival season Unexpectedly Yours.

Matapos ang higit sa isang dekada, muling magsasama ang iconic Filipino stars sa isang milestone offering kung saan makakasama nila ang breakthrough love team nina Julia Baretto at Joshua Garcia (JoshLia); sumailalim pa sa direksiyon ni Cathy Garcia Molina; at ganito kaaga ay gumagawa na ng kasaysayan dahil nakatala na ito ng higit sa 100 milyon sa Philippine box office ilang araw pa lamang itong pinapalabas.

Sa pelikula sa ilalim ng panulat nina Kiko Abrillo at Vanessa Valdez; at may screenplay nina Anna Karenina Ramos at Janica Mae Regalo, ang “Unexpectedly Yours” ay tungkol sa apat na indibidwal na iba-iba ang pananaw sa buhay at sa pag-ibig dahil sa kanilang mga naranasan.

Unexpectedly Yours poster

Si Patty (Sharon) ay isang over-achiever na babae dahil sa mataas na expectations ng ina noong siya ay mas bata-bata pa. Nadala niya ang ugaling ito maski na sa pamilya kung kaya’t nakipaghiwalay noon sa asawang nawalan ng amor sa buhay at maski sa anak na inaasahan din niyang maging tulad niya. Ngunit unti-unti ay nararamdaman ni Patty na tila wala na rin siyang control sa buhay niya at pati sa pangangatawan at higit pa, sa second chances at love.

Papasok namang muli sa kaniyang buhay si Cocoy (Robin), isang seaman na matagal na palang may gusto kay Patty.  Hindi man siya kasing sikat noon ni Patty ay masigasig naman nitong naitaguyod ang pamilya, kabilang ang pamangkin na si Jason (Joshua) kaya naman hindi na ito nakapag-asawa.  Walang itong panahon sa love hanggang makitang muli ang unang pag-ibig.

Ang pamangkin na si Jason naman ay may kaparehong karanasan sa buhay at pag-ibig masipag man siya at may hitsura mang naturingan pero hirap na makamit ang mga nililigawan. Kabilang dito si Yanna, ang anak ni Patty na kaniyang sinusundan sa social media.

Aminadong over-achiever ang ina na minsa’y over-bearing na, bukod pa sa di matagumpay ang samahan ng magulang, naging dahilan ito ni Yanni (Julia) na tila mag-rebelde. Magkakaiba ang mga pinanghuhugutan, pare-pareho naman nilang mapagiisipang love deserves a second chance.

Nostalgic romance at kilig feels ang hatid nina Cuneta at Padilla at nina Garcia at Barretto sa ‘Unexpectedly Yours, na mapapanood via TFC@theMovies sa December 7 sa Papua New Guinea, Brunei at Middle East; December 8 sa US, Canada at Saipan; Dcember 10 sa Austria, Spain, Italy, Malta at Greece; December 14 sa Australia at New Zealand; at December 17 sa Taiwan, Hong Kong, at Singapore; at December 30 sa United Kingdom;

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s