Mika dela Cruz, inamin na malaking pressure sa kanya ang kasikatan ng kanyang kapatid na si Angelika dela Cruz

throy Catan

Ni: Throy Catan

AMINADO ang young actress na si Mika dela Cruz na minsan nang naging ‘disadvantage’ sa kanya ang pagiging nakababatang kapatid ng aktres na si Angelika dela Cruz.

Sa Tunay na Buhay, ikinuwento ni Mika na bata pa lang ay malaking pressure na para sa kanya na sikat ang kanyang nakatatandang kapatid. “I think naging, doon sa Star Circle, siguro naging disadvantage siya for me kasi parang, hindi kasi ako nanalo, e, naging first runner-up lang po ako. So I think parang, kasi siyempre, isa sa mga pinagdedesisyunan po nila sa mananalo ay kung sino ‘yong may kailangan or sino iyong mas deserving. So parang, sabi nila, parang, ‘Kapatid din naman ni Angelika. Parang kaya naman niyang ipasok.’ I think that was one of the disadvantages.”

Aminado rin si Mika na talagang naikukumpara rin siya sa kanyang ate. Sey pa niya: “Pero siyempre idol ko po iyong ate ko so kahit ano pong ‘kumpara nila sa ‘kin, never ko siyang ite-take in a bad way and sobrang love ko si ate, first & foremost.”

Dugtong pa niya:” Si ate kasi ang isnpirasyon ko mula bata pa lang ako, kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya kasi malaki ang naambag niya sa pagiging artista ko.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s