Makisig Morales, balik showbiz matapos ang 3 taong paninirahan sa Australia

throy Catan

Ni: Throy Catan

Makisig Morales

BALIK telebisyon ang dating child actor na si Makisig Morales. Muling mapanonood sa nalalapit na fantaserye ng sikat na loveteam na sina Liza Soberano at Enrique Gil na pinamagatang “Bagani “sa 2018.

Matatandaan sa kasagsagan ng kanyang kasikatan ay nagawang iwan ni Makisig ang kanyang pag-aartista taong 2014 nang huli itong napanood sa teleserye bago niya tinalikuran ang showbiz upang manirahan sa Australia. Ito rin ay upang samahan ang kanilang ama na isang diesel mechanic sa naturang bansa.

Noong Agosto ay naiulat na si Makisig ay abala sa kanyang pag-aaral at sa pagiging service crew sa McDonald’s sa Australia, kasabay nito ang pag-upload ng kanyang ibat-ibang version ng mga kantang “Wag ka ng Umiiyak“, “Versace on the Floor“, “Despacito” at marami pang iba na umani ng matatas na views sa Youtube.

Samatala, masaya raw si Makisig dahil muli siyang nakabalik sa showbiz at nagpapasalamat siya sa Kapamilya network sa muling pagtitiwala sa kanyang kakayahan sa pag-arte.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s