Robin Padilla at Sharon Cuneta, magtatambalan muli sa pelikulang “Unexpectedly Yours”

throy Catan

Ni: Throy Catan

SA pelikulang Unexpectedly Yours, ang karakter ni Robin Padilla ay nililigawan ang karakter ni Sharon Cuneta na ina naman ni Julia Barretto. Si Joshua Garcia naman ang nanliligaw sa karakter ni Julia Barretto.

Hindi ikinaila ni Robin ang kanyang paghanga sa Megastar. Sa isang panayam sinabi ni Robin ng tanungin siya kung may pagbabago ba sa kanilang samahan. Aniya: “Sa akin po walang pagbabago, siyempre.’yun pong ako’y tagahanga niya, idol ko siya. Pag nag-eeksena kami, lagi akong natutulala”.

Inamin rin niya na may kissing scene nga sila. Sey pa ni Robin:”Iyong kagabi, iyong kinunan na halik. Sabi ko, ‘hahalikan ko na naman si Sharon Cuneta?’ Hindi na ako nakaalis doon sa fan mentality. Kayo naman, ang tanda na namin! Kapag nawalan kami ng kissing scene sa pelikula, pangit ‘yun.” Pabiro tawa ni Robin.

Si Sharon naman ay nagbiro rin tungkol sa usap-usapan na minadali ang pelikula. “Two months before, prepared na ako. Akala ko hindi matutuloy kaya nagkakain na naman ako!” Sabay tawa niya.

Dugtong pa niya, “In case na may magsabi na minadali kasi short ang shooting period, it’s the complete opposite.”

Mapapanood ang Unexpectedly Yours sa mga sinehan simula sa November 29. Kasama ni Sharon at Robin ang tambalang JoshLia sina Joshua Garcia at Julia Barretto, na maghahatid rin ng kilig sa pelikula. yun nah!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s