Joross Gamboa, masaya sa kanyang kaibigan na si John Lloyd Cruz na magiging ama na

throy Catan

Ni: Throy Catan

joross

MAY mensahe ang isa sa mga pinakamalalapit na kaibigan ng aktor na si John Lloyd Cruz, na magiging ama na sa anak nila ng aktres na si Ellen Adarna.

Masaya ang aktor na si Joross Gamboa para sa kaibigan. Aniya, “Unang-una, congratulations sa kanya at welcome to the club! Ngayon, mas maiintindihan mo na ang pinagdadaanan naming mga ama kung bakit minsan, hindi kami makasama, makaalis. Finally, magkaka anak ka na din, we’re all happy sa inyo ni Ellen.”

ELLOYD

Ang hiling daw ngayon ni Joross ay sana maging malusog ang sanggol na isisilang ni Ellen at maging maayos ang pagsasama ng dalawa: “And sa akin, ang wish ko lang sa kanila, kay Ellen, is maging healthy ang pagbubuntis ni Ellen, and maging healthy rin kayo as couple. Keep God in the center of your relationship and glory to God, blessing ‘yan!” Sabi pa niya.

Nagkausap o nagkita na ba sila ni John Lloyd, pagkatapos lumabas ang isyu yungkol sa pagbubutis ni Ellen? “Hindi pa kami nagkakausap! Pero one day magkikita kami pag hindi na siguro kami busy.” Pagtatapos pa niya.

Matatandaan , Ilang pelikula na ang pinagsamahan nina Joross at John lloyd sa bakuran ng Star Cinema; kabilang ang trilogy movie nina Cruz at Sarah Geronimo na A Very Special Love, You Changed My Life, at It Takes A Man and A Woman.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s