Robin Padilla at Mariel Rodriguez, pinagdiriwang ang kaarawan ng kanilang anak

throy Catan

Ni: Throy Catan

MASAYANG nagdiwang ng unang kaarawan ang baby nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez na si Maria Isabella nitong November 14. Sa Instagram post ni Mariel, binati niya ang kanyang baby sa unang pagkakataon: “Words will never be enough to express my love for you. You are EVERYTHING.”

Para naman kay Robin: “Miracle baby is now one year old.” Allah hu akbar” ibig sabihin: “Allah is the greatest.”

Star-studded ang naging pagdiriwang ng kaarawan ni Maria Isabella na may temang ‘señorita’ na ginanap nitong November 18, 2017, sa The Blue Leaf sa Taguig City.

Nang gabing din yun, finally nagkita na ang mag lolo na si Robin Padilla at si Alas ang kanyang apo. Sa video makikita binuhat ni Robin ang kanyang apo kay Kylie Padilla na si Alas Joaquin.

Matatandaang may hindi pagkakaunawaan sina Robin at Kylie. Tutol kasi umano ang aktor sa pagpapakasal nito  sa actor na si Aljur Abrenica.

Samantala, sa Instagram account ni Robin, ibinahagi nito ang isang video na kuha ni Betchay Vidanes, na manager ng aktor. Sa video ay makikitang karga ni Kylie ang kanyang anak at kinuha ito ni Robin at kinarga habang kasama ang misis na si Mariel Rodriguez. Mapapansin rin na tila naluluha si Kylie sa tagpong ito at pinuna pa ito ni Mariel.

Hindi naman kasama ng mag-ina ang partner ng aktres na si Aljur Abrenica.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s