Derek Ramsay, makakasama sina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa bago niyang pelikula

throy Catan

Ni: Throy Catan

derek ramsey
Photo: Philstar.com

PAGKATAPOS ng limang taong mula nang umalis ang actor na si Derek Ramsay mula sa Kapamilya Network ngayon ay balik uli siya ABS-CBN. Matatandaan dalawang taon rin mula nang gumawa siya ng pelikula sa Star Cinema. Ang huling pelikula niya sa Star Cinema ay ang romcom na “All You Need Is Pag-Ibig” noong 2015.

Ngayon ay nagbabalik siya sa isang bagong pelikula na ‘Kasal” kasama sina Bea Alonzo at Paulo Avelino. Inamin ni Derek at Bea na excited sila na makakatrabaho ulit sila. Nagkasama na ang dalawa sa pelikulang “One More Chance“. Ani ni Bea: “Feeling ko mag-e-enjoy kami sa first scene namin together. First time naming gagawa ng ganitong klaseng pelikula. So it’s extra exciting kasi it’s totally different. Parang it’s new for him and for me in a movie, so extra exciting for me, So dapat abanagan nila ito. ”

Inamin rin ni Derek na marami siyang natutunan kay Bea pagdating sa pag-aalaga ng kanyang karera. “Bea and I, so much happy for this project and we’re all excited!” Giit ni Derek.

Nilinaw rin ng ABS-CBN na naayos na nila ang kanilang mga “issues.” Ayon sa kanilang official statement, “ABS-CBN’s top management and Derek have met recently and resolved the issues arising from his transfer to another network five years ago.”

Samantala ang pelikulang “Kasal” ay pangunguhan ni Derek Ramsay,Paulo Avelino at Bea Alonzo, under Star Cinema.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s