Sylvia Sanchez, inamin na hindi si Arjo Atayde ang kanyang panganay na anak

throy Catan

Ni: Throy Catan

sylvia-sanchez

NAGSALITA na ang beteran actress na si Sylvia Sanchez hinggil sa kanyang personal na buhay ang tungkol sa kanyang panganay na anak. Sa episode ng “Magandang Buhay” Kapamilya network  ay ibinahagi ni Sylvia na Pia ang pangalan ng kanyang panganay na anak na sinundan naman ng aktor na si Arjo Atayde.

Marami ang hindi nakakaalan na hindi si Arjo Atayde ang kanyang panganay na anak. Aniya: “Baka kasi marami ang nagtatanong, ‘yun ‘yung panganay ko before Arjo. Pero si Pia kasi iba ang tatay noon,”

Sey pa ni Sylvia, “Marami sa Instagram ang nagtatanong bakit hindi namin nakikita ‘yung Pia. Ayaw kong sagutin kasi ang habang explanation,”

Arjo Atayde

Patuloy pa ng actress, hindi niya kailangang magpaliwanag tungkol sa kanyang pagiging ina. “Akin ‘yon, kung ano ang nangyari sa buhay namin. Kasi once mag-explain ka sa umpisa, tapos iba-bash ka, tapos hahaba. Huwag niyong kuwestiyunin ang pagka-nanay ko kasi alam ko, ako ‘yon. What’s important is me and my God, hindi ako at ang ibang tao,”

Ayon sa beteranang aktres, siya’y 17-anyos lamang nang manganak sa kanyang panganay na anak.

Sa ngayon abala si Sylvia sa pagpo-promote ng kanyang pelikulang “Nay” kasama si Enchong Dee at marami pang iba. Ang pelikula ay bahagi ng Cinema One Originals Festival 2017.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s