Ni: Throy Catan
FINALLY ipinakita na rin at ibinahagi sa social media ang larawan ng anak ni Pauleen Luna-Sotto sa pamamagitan ng Instagram account nito!
Nag-post si Pauline ng larawan ng kanyang bagong silang na anak, kasabay ng pagpapakilala na ang pangalan nito ay Talitha Maria Luna- Sotto o si Tali.
Pinasalamatan rin niya ang lahat ng nagdasal para sa kanya at sa kanyang anak.
Masaya ring ipinagmamalaki ni Vic Sotto ang kanyang anak na si Bouncing baby girl na si Tali kay Pauleen sa Programang Eat Bulaga sa segment ng JUAN FOR ALL – ALL FOR JUAN.
Matatandaan na nanganak si Pauleen Luna-Sotto sa pamamagitan ng cesarean section noong ika-6 ng Nobyembre sa Cardinal Santos Medical Center.
Samantala, Labis naman ang kasiyahan nadarama ng mag-asawang Pauline at Vic sa paglabas sa mundo ng kanilang bagong anghel ng kanilang buhay.