Zsa Zsa Padilla bilang si Red Dragon sa teleseryeng Wildflower

throy Catan

Ni: Throy Catan

red dragon

NUNG Biyernes, Oktubre 27, 2017 ay muling pinagtagpo sina Lily, Natalie at Emilia sa isang pagtitipon para sa charity event ni Helena Montoya na siyang si Red Dragon na ginagampanan ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla.

Kanya-kanyang tarayan at patalbugan sa outfit ang tinaguriang “three witches” lalo pa’t may sari-sariling isyu ang tatlo sa isa’t isa. Si Natalie (Roxanne Barcelo) ay galit kay Lily na dating Ivy Aguas, (Maja Salvador) dahil sa pang-aagaw nito kay Arnaldo, habang si Natalie ay suklam na suklam kay Emilia (Aiko Melendez) dahil sa pagpatay nito sa kanyang ama, at syempre ang hidwaan nina Lily at Emilia dahil sa napakaraming kasalanan ng mga Ardiente.

lily cruz

Sa eksena, nais pumasok ni Natalie sa pagtitipon subalit siya ay pinigilan dahil hindi siya inanyayahan. Biglang pumasok sa eksena si Emilia at nagparunggitan ang dalawa. Nang tangkang sasampalin ni Natalie si Emilia, binitbit ito ng mga tauhan ni Emilia palabas, subalit napigilan dahil nakita ni Natalie si Lily. Inihambing ni Lily sina Natalie at Emilia sa tanso.

Patuloy nga sa pamamayagpag sa ratings ng programang “Wildflower” isa ito sa mga inaabangan ng mga Kapamilya network local and international viewers talaga naman pinaguusapan ang bawat eksena ng mga ibat-ibang character na tumatatak sa panlasa ng bawat masa. Abangan ang mga patuloy na pasabog ng Wildflower gabi-gabi sa Kapamilya Network.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s