Ni: Throy Catan
MALAKI ang pasasalamat ng modelo-turned-actor na si Ben Isaac sa lahat ng mga proyekto kanyang natatanggap.
Si Ben ay nagsimula sa pagmo-modelo at pagagawa ng mga commercial, ilan sa mga tumatak na commercial niya ay: Pizza Hut, Globe, Alaska, Uber Drive at marami pang iba. Pinasok na din ni Ben ang mundo ng pag-arte. Nakasama siya sa pelikulang Relax, It’s Just Pag-ibig na pinagbibidahan ni Inigo Pascual ng Star Cinema. Napabilang din siya sa seryeng ng Kapamilya network: Sana’y Bukas Pa Ang Kahapon as best of friend ni Paulo Avelino, nakapag-guest na din siya sa mga programang MMK, Ipaglaban Mo!, Ka Relasyon at Magpakailanman.
Sa ngayon mapapanood siya sa fantaseryeng La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at balik tambalan nina Angel Locsin at Richard Guttierrez. Isa si Ben na aabangan gabi-gabi bilang taong lobo na galing sa ibang bansa makakasama sa grupo ng LLU na pamumunuan ng actor na si Paolo Rivero (as Vergel).
Samanatala, wish ni Ben makapareha sa pelikula ang kanyang idolo at ultimate crush niya na si Angel Locsin ganun din ang TV host showtime na si Anne Curtis. Dream role niya naman magkaroon ng action-drama at willing to do in a daring sexy role.
Si Ben ay tubong Pangasinan at graduate ng Register Radiologic Technologist sa SLU (Saint Louis University), Baguio City.