Ni: Throy J. Catan
MINSAN na daw pinagdaanan ni Piolo Pascual ang naging karakter niya sa katauhan ni Mark sa pelikulang “Last Night”.
Ayon sa actor nalampasan niya ito at ngayon ay nakapagbibigay na ng payo sa mga katulad niya noon.
“Kailangan mo lang talagang makahanap ng magandang rason kung bakit gusto mong mabuhay. ‘Yun nga, maraming bagay sa mundo na puwede nating pagkapitan, pero kailangang may hope ka, kailangan positive ka. Otherwise, you’re going downward spiral,” Aniya.
Ano ba ang mga eksenang na dapat abangan sa pelikulang “Last Night”.
“Actually, marami mgagandang eksena dito , pero siyempre d’ko sasabihin para panoorin talaga ng marami tao.”Sabay tawa pa niya.
Sa pelikulang “Last Night” ay muling magtatambal sina Piolo at Toni Gonzaga na una nang naging magkapareha sa “Starting Over Again”.
Ang pelikulang ito ay isinulat ng bida sa “100 Tula Para Kay Stella” na si Bela Padilla sa direksyon ni Joyce Bernal, showing on Sept 27 in all SM cinemas.